PAG-AALAGA NG TILAPIA

Thursday, August 31, 2006

Tech check: Gawing Lalaki ang babae Tilapia

Ang mga lalaking tilapia ay mas mabilis lumaki at mas malalaking di-hamak kaysa mga babaeng tilapia. Ang mga lalaki ay karaniwang tumitimbang ng mula 600-800 gramo sa loob ng apat na buwan, at maari pa itong lumaki pa kung hahayaan, ngunit ang mga babaeng tilapia ay umaabot lang ng 150 gramo sa ganoon ding panahon.

Palibhasa mabilis manganak ang babaeng tilapia, ang sobrang pagdami ng isda sa palaisdaan ay nagpapabansot sa mga isda, at marami ang namamatay.

Kung haluhalo ang babae at lalaki, hindi pare-pareho ang paglaki ng mga isda kapag panahon na ng pag-aani sa kanila.

Mga Kailangan:

1. pinong hapa (binaliktad na kulambo)

2. Formula SRT-95 (hormone)

Paraan ng Paggawa:

1. Isalin agad sa hapa (sa palaisdaan) ang mga napipisa pa lamang na isda mula sa bunganga ng inahing tilapia.

2. Pakainin agad ng pormulasyon na hormone ang mga maliliit.

3. Gawin ito sa loob ng 21 araw. Ang isang kilong hormone ay makapagpapakain ng 6,000 na semilyang isda.

Ang porsiyenton ng isdang nagbabago ang kasarian kapag pinakain ng hormone na ito ay mga 95-99%.

Pagkalipas ng sampung (10) araw, hindi na mapag-iiba ang kasarian ng mga isda kahit pakainin ng hormone.

Ang karunungang ito at natuklasan ni Dr. Rafael Guerrero ng Central Luzon State University noon pang 1977, na ibinase sa kanyang tesis sa pagkadoktorato niya sa Auburn University. Hindi niya ipinagdamot ang karunungang ito bagkus ibinigay niya sa taong bayan, sa ngayon ay pinakikinabangan. Nagbigay ito sa kanya ng karangalang "TOYM" Award at ng S & T IBM Award noong 1987.

3 Comments:

  • Saan po tayo makakuha ng formula SRT-95 (hormone) para sa sex reversal ng tilapia fingerlings?

    At ito ba'y walang masamang epekto sa tao?

    By Blogger allen, at 2:21 AM  

  • Sa BFAR maka bibili po tayo ng SRT-95 or kay aleng ising sa palengke..

    By Blogger Unknown, at 4:44 PM  

  • Saan po banda un?

    By Blogger Unknown, at 8:31 AM  

Post a Comment

<< Home