Earthworms Vermiculture
Ang earthworm ay tinatawag na hermaphrodite, parehong kasarian ay nasa katawan nito. Sa loob ng 6 na linggo ay mature na ito. Sa loob ng isang buwan ay nakapagpaparami ito ng doble.Kailangan nitong temperatura 25-29 at di naaarawan.
Paraan ng pag-aalaga
Materyales:
lalagyan: hinukayang lupa, or paso, or boxes
earthworms
substrate:
1. Substrate kahit alin dito
manure + ipil-ipil or kakawate (2:1)
rice straw + manure (1:1)
grasses + chicken manure (3:1)
sawdust + ipil-ipil (3:1) compost / rice straw + corn barn (1:1)
cardboard and paper pulp
(basurang nabubulok, wag lalagyan ng kahit anong uri ng plastic)
Paraan:1. Pumili ng lugar na di nasisikatan ng araw.
2. Pinuhin o gayatin ang mga bagay na ilalagay dito. Kung mas maliliit mas madaling mabulok.
3.Ilagay sa compost bin at diligan.
4. Takluban ito at hayaan sa loob ng 10-15 araw.
5. Pagkatapos nito puwede ng ilagay ang earthworms.(Mangalap ng earthworms na ilalagay sa compost)
6.Pagkatapos ng 28-35 araw, puwede ng anihin ang mga earthworms. Sa bawat 5 kilong basura(substrate) puwedeng katamtamang pagkain para sa 1 kilong earthworms
7. Diligan din ng manaka-naka ito sa panahon ito upang dumami ang earthworms.
8. Isang Linggo bago mag-ani huwag na itong diligan upang mas madaling mag-ani.
9. Ihiwalay ang malalaki at maliliit na earthworms. Ihiwalay din ang mga breeder worms.
10. Mataba pa ang lupa. puwede rin itong ibenta =).
0 Comments:
Post a Comment
<< Home